Quantcast
Channel: Ako si Genaro R. Gojo Cruz, Isang Maligayang Pagdating!
Viewing all 146 articles
Browse latest View live

Grass ng PNU

$
0
0
Simula ngayon, ang Philippine Normal University na lamang ang nagtataglay ng ganitong kalawak na damuhan sa mga pamantasang makikita sa Taft Avenue. Pagkaraang maipit sa matinding trapiko sa laging masikip na Taft Avenue, pagkapasok na pagkapasok ng PNU, bubungad ang ganitong kay gandang damuhan. May sentimental na halaga sa akin ang damuhang ito. Maraming klase ang di ko pinasukan noong nag-aaral ako sa kolehiyo dahil mas gustong kong maupo, mahiga, at magsulat ng tula sa grass. Natatandaan ko, kasama si Ferdinand Jarin naligo rin kami rito. Napupuno kasi ng tubig ang grass kapag matindi ang ulan. Di na kami nakauwi pagkatapos ng matinding ulan na iyon at marami sa mga taga-PNU ang nagpalipas ng gabi sa kampus.

Iba't Ibang Bahay

$
0
0

ni Genaro R. Gojo Cruz

 

SA PINAKAMAABOT NG aking alaala noong bata ako, sa Tabang, Guiguinto, Bulacan kami unang nakitira ng aking Nanay—sa isang maliit na apartment na inuupahan ng aking kapatid na si Ate Charito na may asawa. 

Tuwing maaalala ko ang Tabang, nanunuot pa rin sa akin ang takot hanggang ngayon.  Isang umaga kasi, napagtripan ako ni Kuya Raymond na papagliguin sa isang malapit na ilog.  Siya ang asawa ng aking Ate Charito.  Habang yakap ng aking maliliit ang bisig ang isang katawan ng puno ng saging, pakiramdam ko parang katapusan na ng aking buhay noon.  Nasusukat ng aking maiiksing binti ang lalim ng tubig.  Nag-iiyak at naghuhumiyaw ako noon sa matinding takot habang ang asawa naman ng aking Ate Charito sa pasulpot-sulpot galing sa ilalim na tubig.   Ngunit bingi si Kuya Raymond.  Tuwang-tuwa siyang makita akong halos nauubusan na ng boses sa paghingi ng saklolo.  Pagkatapos ng pangyayaring iyon, ako ang pinagkuk...

Kung si Lea Salonga ang Magiging Presidente ng Pilipinas

$
0
0

Kay ganda ng sinabi ni Lea Salonga kung siya ang magiging presidente ng Pilipinas ito ang gagawin niya: If I were President, I'd definitely make sure there's a budget allocated for education.  I'd also make certain that the Reproductive Health Bill is passed.  The RH bill is not perfect in its form right now, but it is an urgent need.  I'd also prioritize arts education.  When arts are sacrified, the academics suffer as well.  I'd create projects that would foster livelihood among the urban and rural poor.  It can't be a "give-man-a-fish" thing; we should have a "teach-man-to-fish" mentality.  Dole-outs are not the solution.  We need to provide access to jobs and give people the dignity to be able to provide for their families.  (Philippine Daily Inquirer, December 26, 2010).

Si Lea Salonga ang kaisa-isang artista o alagad ng sining na lagi kong inaabangan  ang sasabihin dahil alam kong may laman at pinag-iisipan niya ang kanyang b...

Napakadelikado ng Proyektong Once Upon A Legend ng Philippine Daily Inquirer

$
0
0

Isa sa ipinagmamalaking proyekto ng Philippine Daily Inquirer ang kanilang "Once Upon a Legend" na kanilang ilalabas tuwing Lunes sa seksiyong Learning ng kanilang pahayagan.  Naging malawak ang saklaw ng proyekto dahil sa mga eskuwelahan at gurong tumangkilik dito.

Isang kuwentong banyaga ang naging lunsaran upang ituro ang pagbabasa, pagsusuri, at pagpapahalaga sa panitikan.  Ang kuwentong ginamit ay ang "Legend of the Pony's Tears" na ibinigay na libre nina Mary Madden (manunulat) at Vicki Wallace (ilustrador) sa mga pahayagan upang ilathala.  Dahil sa pagtangkilik ng mga guro sa kuwentong ito, naipakilala ang kultura ng mga Native American sa kanilang estudyante.

Para sa akin, napakadelikado ng mga ganitong uri ng proyekto.  Di naging malay ang PDI at ang mga guro sa pangmatagalang epekto nito sa kanilang mga estudyante. 

Alam ko at napatunayan ko, bilang guro at manunulat na espesipiko sa kultura ang panitikan ngunit di naman ibig sabi...

Tsismis

$
0
0

Si Genaro, yung taga-CTL na

Submitted by j luna on May 5, 2009 - 4:21pm.

Si Genaro, yung taga-CTL na prof sa skul namin (PNU) na soc sci dati na madalas naming binu-bully kase kamukha ni German Moreno sa mga lumang film nito (circa 50s and 60s). Hahaha.

Kung ikaw si Genaro e di ikaw pala ang huling kasama ni Royo nung napatay ito.

Salamat nga pala sa paglagay ng multiply ni Royeca sa FW ha...Atleast may pinagtatawanan kami ng bookay crew nung isang araw. At pakisabi kay Jon Royeca, tigilan ang pagp-post at pagm-message sa amin nila chris aquino nang kung anu-anong shit ha.

Hmmmm.

» login or register to post comments Alexander Dagrit's picture

Mayroon din akong multiply account

Submitted by Alexander Dagrit on May 6, 2009 - 11:40am.

 

Mayroon din akong multiply account, at nang makita ko sa google search ang multiply account ni jon royeca, ini-invite ko siyang maging contact. Walang reply kung payag o hindi. Pero sa tingin ko papayag naman siya.

Sa multiply, pag may...

Ilang Paglilinaw Ukol sa Pambansang-Awit ng Pilipinas

$
0
0

ni Genaro R. Gojo Cruz

Kasabay ng pagdiriwang ng sambayanang Pilipino sa bawat pagkapanalo ni Manny Pacquiao ang pagbatikos sa mga umawit ng Lupang Hinirang, ang Pambansang-Awit ng Pilipinas sa pagsisimula ng kanyang mga laban.  

Laging nagiging mainit na usapin ang ukol sa maling pag-awit ng Lupang Hinirang ng mga kilalang mang-aawit na ibinabalita mulang TV, radyo, pahayagan, at pinag-uusapan hanggang sa mga website, blog, chat, at iba pa.  Dagdag pa ang National Historical Institute (NHI) sa lagi ring nagbibigay-puna sa tuwing may maling pag-awit sa Lupang Hinirang.     

Patunay lamang ito na may kamalayan ang mga Pilipino sa halaga ng Pambansang-Awit bilang batayan at simbolo ng ating bansa at pagka-Pilipino.  Mainam na pagkakataon ang mga ganitong usapin upang balikan at talakayin ang kasaysayan ng ating Pambansang-Awit nang maiwasto ang mga pangkakamali. 

Ang mainit na usapin ukol sa maling pag-awit ng Lupang Hinirang ay nagsimula na...

Isang Aklat-Pambatang Di Ko Mairerekomenda para sa mga Bata

$
0
0

Sa unang pagkatataon, takot ang aking nararamdaman habang binabasa ang isang aklat-pambata.  Di ito isang katatakutang kuwentong-pambata kundi tungkol sa isang batang inabuso.  Ang kuwento ay may pamagat na "Something Must Be Wrong With Me" na isinulat ni Doris Sanford at sa ilustrasiyon ni Graci Evans.  Ang aklat ay bahagi ng Hurts of Chilhoods Series.  Takot at awa ang aking nararamdaman para sa pangunahing tauhang bata na dumanas ng pang-aabusong seksuwal sa kaniyang coach sa larong basketball.  Tulad ng dapat asahan, naparusahan ang coach at ang bata ay dumaan sa councelling.

Nakita ko ang malaking kakulangan ni Sanford sa pagtalakay sa ganitong kadelikadong paksa.  Literal niyang tinalakay ang isyu ng pang-aabusong seksuwal.  Marahil, sinasalamin lamang ng estilo ni Sanford ang kultura ng kanilang bansa sa pagharap sa mga ganitong uri ng isyu.  Sa kuwento, tanging isang ibon lamang ang nakatulong sa bata upang magpatawad ...

Ang mga Patok na Diona ng II-A BSMT

$
0
0

Narito ang mga Diona na ginawa ng aking mga estudyante sa Phililippine Normal University sa aming klase sa pagsulat.  Nakaayos ang mga ito ayon sa aking pinakanagustuhan dahil sa maayos na tugma, bagong pananalinghaga at malalim na kaisipan.  May mga Dionang nangiti ako habang binabasa dahil sa taglay na magandang kaisipan ukol sa buhay ngunit mayroon din naman nakakapuyos ng damdamin dahil bukod sa sablay o gasgas na pananalinghaga ay wala pang tugma.  

 

95

 

Umaapaw sa ganda,

Lumalangoy sa pera,

Sa mundo’y nag-iisa.

-         Jenny Rose S. Esureña

 

Binibining kay ilap,

Kailan mahahagilap?

Lahat ay hinahamak.

-         Mark Joseph C. Canela

 

Masakit mang isipin

Sa iyo’y aaminin

Pag-ibig mo ay bitin.

-         Maria Fe Fababier

 

Matipunong lalaki,

Paano ka mahuli?

Sa puso ko’y mawili.

-&...


Ang Tula at Pagtula sa Akin noong 1999

$
0
0

Isang liham ko sa isang estudyanteng noon ang ipinakita niya sa akin sa pamamagitan ng Facebook.  Di ko na matandaan ang liham kong ito.  Kung walang pirma ko, baka itanggi kong sa akin nga galing ang liham. 

Binasa kong muli ang liham.  Nakatutuwang may gayon pala akong pananaw ukol sa tula at pagtula.  Ngayon, masasabi kong mali ang mga sinabi ko sa liham ko sa kaniya! 

Batid kong pinagtatawanan ako ng mga kilala/sikat/award-winning na makata noon dahil sa aking madalas na paglalathala ng maiikling tula sa pahina ng The Philippine Star.  Mas gusto raw nilang madalang ngunit de-kalidad na tula ang nalalathala sa mga babasahin.  Kakaunti man ang bumabasa sa kanila, ang mas mahalaga raw ay alam nilang matatalino ang nagbabasa sa kanila.   

Marami rin ang nagtatanong ngayon kung kailan ako maglalabas ng aking koleksiyon ng mga tula.  Wala akong maitugon dahil sa katotohanan wala akong kabalak-bala...

Ang University of St. La Salle at ang Bacolod

Si Ricky Lee: Interbiyu ng aking mga Estudyante sa Kaniya

Huwag Mong Iluha ang Aking Paglisan (tulang-alay sa ama ni AJ Perez)

$
0
0

Huwag, huwag mong iluha ang aking paglisan

dahil masaya akong sansaglit man ay di  ako naulila.

Di ko naranasang maiwan nang totohanan o habambuhay—

di ko alam kung ano ang buhay at paano akong mabubuhay

kung ikaw ang umalis at  ako ang iyong iniwan.

 

Ulila ang tawag sa anak na yumao na ang mga magulang.

At iniisip ko, ano ang tawag sa iyo na aking iniwan?

Wala, wala akong maisip na maaaring itawag sa iyo?

Di ko mapapangalanan ang pighati ang iyong dala-dala

at akin ding dala-dala sapagkat wala ka sa kapanatagan.

 

Nasa bawat tao akong dumarating--sa akin

galing ang kanilang pagtapik sa iyong balikat,

sa akin galing ang mga katagang kanilang inuusal,

ako ang yumayakap sa iyo nang mahigpit,

ako silang di naman lumisan o nawala.

 

Huwag, huwag mong iluha ang aking paglisan

dahil sa mismong sandali ng aking pagharap at pagdanas

ng panganib, walang anuman akong pangamba—

sa iyong tabi aking ama ligtas ang aking pakiramdam

kahit pa sa mismong sandali ng pagkapatid ng...

Si Super Pinocchio at Ang Walang Hanggang Kahirapan (O Kung Paano Ako Napapahayag na Tanggapin ang Pamana)

$
0
0

ni Dylan

(Naupo ako bilang panel sa 11th IYAS Creative Writing Workshop noong Abril 25-30 sa University of St. La Salle sa Bacolod.  Di ako sanay, malimit kasing ako ang sumasalang at iginigisa sa mga workshop bilang fellow.  Magandang karanasan din ito para sa akin upang tingnan ang sarili bilang isang mambabasa.  Pumalit lang ako bilang panel kay Dr. Gerardo Torres.  Narito ang aking puna sa isang maikling-kuwentong naka-assign sa akin.-Genaro R. Gojo Cruz)  

Ang unang kuwento (Si Super Pinocchio) ay may labinlimang pahina.  Sapat na bilang ng pahina para sa isang maikling kuwento.

May aktibong 2 dalawang tauhan sa kuwento—ang narrator at si Arwin.  Ang mga iba pang tauhan ay ang Nanay at Tatay ng narrator, ang kaniyang mga kaklase, ex-girlfriend, at mga kasamahan sa fast food chain.  Mainam para sa akin ang bilang ng aktibong tauhan para sa isang maikling kuwento. 

Ang buong salaylay o narrative ay nagmula/nangg...

“Nagpasalamat ang Alitaptap sa Pagdapo ng Bahaghari at iba pang hulagway” ni L. Mariachi

$
0
0

Alitaptap

 

Namalas ko ang iyong ningas

isang magdamag

na walang dagitab

 

Habang hinihintay

ang lamig ng gabi,

sumulpot ka sa likod ng malalagong

dahon ng mangga.

Mag-isa kang sumasayaw

sa hangin habang sumusungaw

sa mga ulap ang malamlam na buwan.

 

Binuksan ko ang aking palad.

 

Dumapo ang iyong liyab.

Umikot-ikot.

Umiindayog.

 

Sandali lang huminto.

 

Sinundan kita ng tingin

habang pabalik sa mga dahon ng mangga.

 

At naroon ang mga kasari

mong nagkumpol-kumpol

ang dalang liwanag

 

sa isang magdamag

naming

walang dagitab.

 

Panaginip

 

Nagising akong wala

ka sa aking tabi.

At naging basag na salamin

ang ating higaan.

 

Dagli akong bumangon.

Inapuhap ka sa labas ng bahay.

Nilakad ko ang kalsadang

puno ng makikintab na bubog.

 

Nakarating ako sa kalapit na ilog.

Nagniningning ang mga basag nitong alon.

 

At naroon ka sa kabilang pampang.

Nais kitang tawagin, abutin.

Ngunit nabasag ang aking tinig.

 

Pagmulat ko ...

Ang Aking Corazón at iba pang tula ng pagtangis

$
0
0

(Ikatlong Karangalang Banggit, 2011 Talaang Ginto Gawad Surin sa Tula-Gantimpalang Antonio Laperal Tamayo) 

 

I.

 

Corazón

 

Ikaw na nasa akin,

ang katuparan ng mga pangarap.

 

Ang simula’t katapusan

ng aking pag-iral.

 

Ang nag-ipo’t nagtakwil

ng mga gunita’t pangalan.

 

Ikaw na laging nagtatapat

ngunit lagi ring naglilihim.

 

Ang nagpasariwa’t nagpalanta

ng mga tangan kong rosas.

 

Ang nakatalos sa hangganan

ng pag-alaala’t paglimot.

 

Ikaw na nasa akin

ang bukal ng aking pag-ibig.

 

Ang tanging bukal din

ng aking galit,

 

ng aking mga lihim na pagtangis.

 

 

II.

 

Hacienda

 

Ang lawak ng iyong titig

sa lupaing sumasakop

sa iyong habambuhay

ay kitid ng lupang dasal

ko’y maging amin.

  

Ang sinag ng araw na bukal

ng iyong pag-asa at pananalig

na tumatanglaw sa iyong lupain

ay mga punyal na sumusugat

sa aking balat at mga pangarap.

 

Ang kasaganaan ng iyong hapag

pag...


The Ruins

Silay

“Ang Asul na Kariton” Book Launch

$
0
0

Daigdig Pinoy (DP): The language of the book is in Tagalog, why?

Genaro Gojo Cruz: Kasi nagsusulat ako para sa mga batang Pilipino, at bilang manunulat na Pilipino. Pinoy ang target kong magbabasa ng libro ko, batang Pilipino, wala ng iba. So para maintindihan ka ng bata, gamitin mo ang lengguwaheng nakagisnan nila.

DP: Hindi ba malalim ang Tagalog na ginamit mo sa libro?

Cruz: Ang kuwento ko ay hindi ganun kalalim ng Tagalog, wikang pambata, where any Filipino kid can understand.

DP: Meron ba yang influence sa profession or education mo sa iyong pagsusulat?

Cruz: Bago ako napunta sa Philippine Normal University and DLSU to work as a professor, nagturo ako sa mga street children sa Binondo for six months.  Na-involve ako sa NGO na Child Hope Asia Philippines around 2003. Sa panahon ng aking pagtuturo, pumasok sa akin ang maraming idea na later on masusulat ko bilang aklat-pambata. Hindi ito talaga sa akin, kundi ginamit lang ako bilang instrumento para ikuwento ang kuwento ng mga...

Ang Problema Ko sa Munting Heredera ng GMA7

$
0
0

Sa kabuuan, ang mga soap-operang namamayani ngayon sa mga pangunahing estasyon ng telebisyon sa Pilipinas ay laging umiikot sa kuwento ng paghihirap (ng mga bida) at pagtataksil (ng mga kontrabida).  Ito ay isang pormula na ayaw bitawan ng mga nasa likod ng produksiyon ng soap-opera.  Kung susuriing mabuti, ang pormulang ito ang lagi’t laging makikita sa mga soap-opera.  Nagmumukhang-bago lamang dahil kung minsan ginagawa lang nilang duwende o superhero ang mga bida.  O kung minsan naman, dinadala nila sa ilalim ng dagat, himpapawid, o sa ibang mundo ang kuwento.   

Laging patok ang kuwento ng pagiging api ng pangunahing tauhan sa mga soap-opera.  Ito ay dahil sa ating kasaysayan bilang bansa—na dumaan sa mahabang kasaysayan ng pananakop at pang-aabuso sa kamay ng mayayamang bansa.  Kahit sa kasalukuyan, api pa rin tayo sa maraming aspekto tulad ng ekonomiya, kultura, wika, at iba pa.  Lalong api tayo sa pagkakaroon ng isang epektibong pamah...

Buti na lang at galing ako sa hirap!

$
0
0

Minsan nasabi ko sa aking klase ang ganito:  kahit anong gawin ninyo, kahit magtapos kayo ng kolehiyo, magkaroon ng degree--Masteral hanggang PhD, maging guro, hinding-hindi talaga kayo yayaman.  Puwera na lamang kung mananalo kayo sa Lotto o makapangasawa ng galing sa isa sa limang pinakamayayamang Pamilyang Pilipino sa Pilipinas na kung susuriing mabuti ang kanilang family tree ay di naman talagang mga Pilipino.  Kahit anong gawin ninyo, kung di man kulang ay sapat na sapat lang ang inyong magiging kita.  At ang masaklap pa, dahil guro ka sa isang pampublikong paaralan, madalas ay isang guro rin mula sa mahirap na pamilya ang iyong mapapangasawa, o kung di man ang traysikel driver na iyong sinasakyan araw-araw pagpasok sa paaralan.  Sa totoong buhay, mahirap sa mahirap ang nagkakapangasawahan.  

Kaya napaka-imposibleng yumaman ka sa sariling bansa na kontrol lamang ng iilang mayayamang pekeng P...

Viewing all 146 articles
Browse latest View live