Bilang isang multinational na kompanya, laging sinisikap ng McDonalds na makalikha ng mga komersiyal na naaayon sa kultura o panlasang Pilipino. Maraming komersiyal nila ang nagtagumpay sa layunin nilang ito ngunit mayroon din namang nabigo dahil di umangkop sa panuntunang moral ng ilang institusyong-panlipunan tulad halimbawa ng Simbahang Katoliko.
Isang mahalagang estratehiya sa pagpapakilala o pagbebenta ng mga produkto ang komersiyal, ito man ay biswal, audyo, o limbag. Matindi ang kompetisyon lalo na sa larangan ng fastfood kung kaya matindi rin ang pagsisikap McDonalds na maging malikhain kahit na kung minsan ay mali na ang values o gawi na kanilang itinuturo sa mga mamimili.
Mahalagang masuri ang mga komersiyal na lumalabas ang telebisyon nang maging malay din ang mga nasa likod nito na gumawa ng mga komersiyal na totoo at may pakinabang sa buhay ng mga mamimili. Pero walang dalisay na layunin ang mga komersiyal, iisa lang ang layunin nito, ...