

KAY SENADOR ERNESTO Maceda galing ang pinakaunang tseke na natanggap at nahawakan ko. Sikat na sikat noon si Senador Maceda dahil sa kaniyang mga expose.
Sa aking paglalakad pauwi galing sa kaingin, nakita ako ang isang papel na nililipad-lipad ng hangin sa kalsada. Hinabol ko ang papel at binasa. Nakasulat sa papel ang mga nagawa ni Senador Maceda—na isa siyang matapang at may paninindigang lingkod-bayan. Kumakandidato siya noon para muling maging senador ng bansa.
Sa bandang ibaba ng papel, nakalagay ang kaniyang address. Nakakatihan ng aking kamay na sulatan siya. Pagdating na pagdating sa bahay, gumawa ako ng sulat sa kaniya sa wikang Filipino.
Tanda ko, buwan iyon ng Pebrero, at papasok na ang buwan ng Marso. Bayaran na uli ng aking matrikula sa eskuwelahan. Wala akong pambayad. Iniisip ko na nga kung anong bagong dahilan ang isusulat ko sa aking promissory note sa principal para pakuhanin uli niya ako ng pe...
KAY SENADOR ERNESTO Maceda galing ang pinakaunang tseke na natanggap at nahawakan ko. Sikat na sikat noon si Senador Maceda dahil sa kaniyang mga expose.
Sa aking paglalakad pauwi galing sa kaingin, nakita ako ang isang papel na nililipad-lipad ng hangin sa kalsada. Hinabol ko ang papel at binasa. Nakasulat sa papel ang mga nagawa ni Senador Maceda—na isa siyang matapang at may paninindigang lingkod-bayan. Kumakandidato siya noon para muling maging senador ng bansa.
Sa bandang ibaba ng papel, nakalagay ang kaniyang address. Nakakatihan ng aking kamay na sulatan siya. Pagdating na pagdating sa bahay, gumawa ako ng sulat sa kaniya sa wikang Filipino.
Tanda ko, buwan iyon ng Pebrero, at papasok na ang buwan ng Marso. Bayaran na uli ng aking matrikula sa eskuwelahan. Wala akong pambayad. Iniisip ko na nga kung anong bagong dahilan ang isusulat ko sa aking promissory note sa principal para pakuhanin uli niya ako ng pe...
NOONG BATA AKO, akala ko, lahat ng bahay na may christmas tree ay mayaman. Natatandaan ko, gumawa rin ako ng christmas tree na gawa sa mga siit at saka dinikitan ng mga bulak. Ang mga panabit ay mga batong binalutan ng balat ng kendi. Itinindig sa isang malaking lata at saka nilagyan ng mga bato para di mabuwal. Ewan ko ba, kung saan nagmumula ang pagkahumaling ko sa mga christmas tree kahit lumaki akong isang Iglesia at walang ipinagdiriwang at kinikilalang Pasko.
Palagi akong nagbabalak na bumili na ng pinakaaasam kong christmas tree pero lagi namang di natutuloy. O kapag naghahanap na ako, wala ang talagang gusto kong laki, kulay, at hibla ng mga dahon. Kaya hanggang ngayon, wala pa ring christmas tree sa aking munting bahay.
Noong isang taon, pagkatapos na pagkatapos ng Pasko, namili na ako ng mga panabit. Nagtataka nga ang mga sales lady ng department store kung bakit tapos na ang Pasko ay saka ako namimili ng mga pala...
PASKO ANG PINAKAAABANGANG buwan ng mga batang Pilipino.
Sa aking karanasan bilang bata noon sa San Joaquin, Batangas, naging gawi ko na kasama ng ibang bata na magbahay-bahay upang manghingi ng Pamasko—barya o kendi. Lihim na lihim ko itong ginagawa dahil isa akong Iglesia.
Pagdating ng hapon, puno na ng barya at kendi ang aking bulsa. Pinipili ko ang mga bahay na may christmas tree dahil alam kong mayaman sila. Totoong di nawawala ang hikayat ng Pasko sa akin noong bata ako.
Pero habang lumalaki ako at nadaragdagan ang edad, unti-unting nawawala ang kinang at hikayat ng Pasko. Ngayon, nasasabi kong ang Pasko ay para lang talaga sa mga bata. Sa matatanda, ang Pasko ay panahon lamang ng paggastos—maraming dapat bilhin para sa kung sino-sinong mahahalaga at di gaanong mahahalagang tao. Higit na nagiging materialistic ang tao tuwing darating ang Pasko. Pero sabi nga, higit na mahalaga ang pagbabahagi ng mga biyayan...
ni Genaro R. Gojo Cruz
PUMASOK NA NAMAN ang ber. Ito ang mga panahong nagiging matingkad sa akin ang mga alaala noong bata ako. Tulad noong mga nagdaang taon, mabilis na mabilis na namang lalakad ang mga buwan ng ber at sasalubungin na naman nating lahat ang Bagong Taon. Pero di tulad ng iba, lungkot ang nararamdaman ko kapag pumapasok na ang mga buwan ng ber.
Sa amin sa Bulacan, pangkaraniwan lang na araw ang Pasko. Ang talagang hinihintay ng mga tao sa amin ay ang pagpasok ng Bagong Taon.
Lalo sa amin, pangkaraniwan lang talaga. Walang maaasahang handa sa mesa. Walang salusalo. Walang bigayan ng regalo at lalong walang bukasan ng regalo.
Isang Bagong Taon ang di ko malilimutan. Malamig na malamig noon sa aming bahay. Tanda ko, dalawa lang kami ng aking kapatid na si Kuya Tuan sa bahay. Wala na noon ang aking Tatay. At ang iba ko namang kapatid ay ma...
ni Genaro R. Gojo Cruz
NASA PINAKADULO NG Baranggay Pastol ang aming bahay.
Tinatawag na Pastol ang aming lugar dahil dito matatagpuan ang malawak na pastulan ng mga baka, kalabaw, at kambing.
Kakaiba ang aming bahay lalo na kung gabi. Di ito kasingliwanag ng ibang bahay sa Pastol, pero masaya kami kapag gabi kahit wala kaming ilaw. Di kasi kaya nina Nanay at Tatay ang magpakabit ng koryente. Kaya kailangan bago dumilim, nagawa na namin ni Buknoy, ang bunso kong kapatid, ang aming takdang-aralin at nabasa na ang mga dapat basahin.
Di na kami takot ni Buknoy sa dilim. Kapag naglalaro kami sa likod ng aming bahay, liwanag lang ng buwan at ng mga bituin ang ilaw namin. Kung minsan, parang nagiging korteng kapre at higante ang malalaking puno ng akasya sa aming paligid, pero di kami natatakot. Alam kong kakampi nam...
BUMILI AKO NG lupa.
Ang una kong binili ay may sukat na 500 square meters. Ang sumunod naman ay may na sukat 247 square meters. Magkatabi ang lupa dahil iisa naman ang may-ari. Partikular ako sa sukat ng lupa kahit pa wala akong ideya kung gaano ito kalaki o kaliit. Pero sabi ng ilang kakilala na napagkuwentuhan ko, malaki na raw ito.
Hulugan ang unang lupang binili ko buhat sa aking kapatid, hinati sa tatlong bayaran. Binayaran ko naman ng buo ang pangalawang lupa.
Naipalipat ko na rin sa aking pangalan ang mga titulo ng lupa. Di rin pala biro ang gastos sa pag-aayos ng mga titulo.
Gustong-gusto ko ng pabakuran ang lupa. Gusto kong makita ang kabuuan ng aking pinagpaguran sa ilang taong pagtuturo at pagsusulat. Gusto kong magkaroon ng dagdag na inspirasyon upang lalon...
Ano ang nagtulak sa iyo na magsulat ng children’s book?
Noon kasi (mga huling taon ng dekada 90), di pa gaanong pansin ang pagsusulat para sa mga bata. Ito ang nagtulak sa akin upang sumulat ng mga kuwento at tulang-pambata. Bukod dito, noon kahit ano, sinusulat ko. Pero nagpayo ang isa kong guro sa kolehiyo na mag-pokus muna ako sa isa. Naisip kong magpokus sa kuwentong-pambata. Mapalad naman akong kinilala ang aking ilang mga kuwentong-pambata.
Marami ring akong karanasan noong bata na gusto kong ikuwento. Sa palagay ko, pinakamabisang genre ang kuwentong-pambata para maikuwento ang mga ito.
Anong approach ang ginamit mo sa paggawa ng libro?
Walang isang approach sa pagsulat ng kuwentong-pambata.
&nb...
Gig and the Amazing Sampaguita Foundation, Inc. (GASFI) is happy to announce that ten stories won the Gig Book Storywriting Contest. The authors will receive P20,0000.00 each, a winner’s certificate, and a chance for their story to be published as a full-color, fully-illustrated children’s book.
Arranged alphabetically by title, the winning stories are:
Hello, Tatay!
-----by Genaro R. Gojo Cruz
Ishmael And The Ocean
-----by Franklin P. Andaya
Junior's Diary
-----by Carlo Baltazar Ventura
My Dad And I Travel The World
-----by Francesca Cielo M. Ravanes
Postcards To Papa
-----by Raissa Claire R. Falgui
Postscript For Pio
-----by Mia Ayroso Buenaventura
The Stranger At My Door
-----by Gail Christiane Te
The Woman In Daddy's Wallet
-----by Fernando R. Gonzalez
What's Inside A Turtle's Shell?
-----by Raymond G. Falgui
When You Are Away
-----by Bella Charina Alexandra D. Mercado
GASFI, the contest sponsor, is a non-profit organization. Founded and headed by Marissa Oca Robles, G...